Late na ako pumasok, yet wala pa din ung prof ko. Ang klase namin talaga dapat ay nagiistart ng 7am. Pero, imposible un kasi 8am pa dumdating ang prof namin. Sa 30 mins. na dapat ay grace period para sa amin at para sa kanya din ay hindi masusunod. Nakakalungkot un, kasi wala naman kaming matututunan. Naaalala ko ang mga professor namin noon. Si Mr. A at Ms. B. Si Mr. A ay sobrang tindi magturo. Proper diction at mas higit pa niya ang doktor kung magexplain ang physiology ng human anatomy. Si Ms. B naman ay sinisindak kami. Although na ganun siya, e mahal namin siya. Syempre naman, sinayawan kami nun last field trip ng beautiful girls. Mukha siyang secret. At ang present professor, ay.. no comment. Itago na lamang natin siya sa nick na, Mr. L. :P
Pagkatapos ng aming klase, ay napagkasunduan namin na kumain sa cafeteria. Gusto ko sana sumama sa food trip nila, ang kaso, masikip na ung damit ko. At, kailangan ko pang magaral para sa quiz namin sa susunod na subject. Nakakainis nga eh, tumaba nanaman ako. Ako ang pinagdidiskitahan ng mga FATS!
Ang aming pagsusulit ay malaking sucess! nasagutan ko naman siya lahat. st sigurado ako, na mapeperfect ko un! Ako pa! In Jesus' name!
Dumating ang pinakagusto (read: pinakaayaw) kong subject. Ang PE. Hindi sa ayaw ko ng swimming, ang kaso lang naman, ayoko lang na umitim ako. Dyahe naman kasi. Tska ayoko nang nakaswimuit! Sana kung puro babae kami pwede pa, e kung may lalaki. PATAY na. Nagstart na kami magwarm up. Kakaiba pala ang instructor namin sa lahat. (hanggang dun na lang, ayaw niya kasi ng kinokompara siya sa iba, sabagay, sino ba naman ang may gusto?) Hanggang dumating ang HORSE BACK POSITION . Lintek! Lahat kami nagmistulang sex symbol. Sununod na ginawa namin, practical. Alphabetical arranged, first set of 5. Set aside ung hindi kasali. At kami un. Matagal pa ako. Last batch ako, panigurado. S ang start ng surname ko e. Nun nakahiwalay na kami, taimtim naming pinapanood ang aming mga kalase na nakasalang sa kahihiyan.
Nang bumuhos ang malakas na ulan. Kumulog nang pagkalakas lakas. Kumidlat at lumiwanag..
(CUT! baka ano pa masabi ko tungkol sa campus namin, delikado na)
Dismissed, Tapos na kaming lahat magperform, at magbihis nang ayain ko si ang isang kaklase na umuwi. Nagulat kami ng biglang magatrasan ung mga nasa labas papasok sa loob. At yun pala..
BINAHA ANG CAMPUS NAMIN!
di ko alam kung ano ang nararamdaman ko.. matutuwa dahil sa kaalaman na binabaha din pala ang campus namin? magagalit dahil bakit binaha ang campus namin? maiinis dahil mababasa ung sapatos namin? matataranta dahil pagabi na? mapapaisip dahil hindi kami makakauwi?
Pero hindi ko na pala kailangan magisip. Muntik ko nang makalimutan na may maintanance employees pala. Sila ang gumawa ng paraan para makauwi kami. Dun kami dumaan sa likod ng stage. Secret passageway un. Ayos un, new discovery! :P
Pero grabe naman ang traffic paguwi. Bukod sa Traffic, ang dami pang nagtitikang sasakyan. Buti na lang un sinasakyan kong tricycle, hindi. Pero muntik na din. Umusok ung motor e. Pero THANK GOD talaga at nakauwi ako. :)
hindi ko alam kung masaya ba talaga ang pers day nang pagiging sophomore ko...
eto ang mga nangyari sa akin..
i didn't eat anything for breakfast.
pinakamaagang dumating sa klase.
there's only one subject on my schedule.
tiniis ang amoy sa MP1.
MP means eMPierno.
ang dumi nanaman ng uniform ko.
my professor didn't show up.
my crush ignored me.
i lost a hundred.
i got blister on my ankle.
i got sprain because of my heels. (fcuk that heels!)
and finally, my left heel broke.
so, what do you think? magiging masaya pa ba ako sa first day na un? oo naman, kasi a "first day" without a picture is very dull! good thing aikit brought a digicam. :p
sa kfc. kasama ang mga kaibigan.
litrato sa comfort room.
habang nilalasap ang mabangong amoy (read: mabahong amoy) ng aming silid aralan.
ang mabuting driver. (produkto ng A1 driving school)
nakaupo: aikit, nhek, tine, isah, fev, ako, cha nakatayo: aims at levs mga nasa likod: kuya ewan, rr, at bag ni yves
aikit at ako
i got jinxed, pero kasama ko naman ang mga kaklase ko. kaya ok lang? oo naman!
ayon nga ke nhek sa comment niya sa official friendster ng n1-1 students..
n1-1's official summer outing was a SUCCESS!
tama si nhek. success yon kasi madaming dumalo at nakisali sa amin. :) saan nga pala kami ngswimming? *dating villa christina sa Balagtas, Bulacan. any sponsors? * tita ni aikit, discounts * mami lows, foods * yves, more foods!!
group pic? nah, kulang kami dyan e!~
eto kami, habang nagpapasasa sa madaming pagkain!
at ako? dito, ako ang kumakanta!~
aloneEeEEeee!!~~
ang saya ko sana kung doon kami ng overnight ni tine, kaso umuwi din kami. mas mahala namin magulang namin e. :)
Kahapon, ang takbo nang buhay ko, napakadali, iisang bagay lang ang mahirap, ang pagdedesisyon.
Walang exam sa Soc. Anthro dahil kami nga ang nagwagi sa dokyu fest sa school. pero pumasok pa din kami dahil pipirmahan ang aming mga permits. napakadali, hindi ba?
Nagpraktis kami para sa S.A. namin na gagawing play, a tribute to our professor this semester. ako si Tiffany, ang matalik na kaibigan ni Angelica. dakilang epal sa mga scene. napakadali, hindi ba?
Nagcounter strike kaming magkaklase, 1st team up, sa terro, ako, si nhek at si rabon at counter-terro, si yves, tine at aikit. 2nd team up, terro, ako, si rabon at si aikit. at counter-terro yves, tine at nhek. napakadali kasi dahil kasama ko si rabon. diba?
Kumain ako at sinamahan nila ako kanila Aling Josie's. Nagkwekewntuhan sila, ako kumakain. Nagtatalo sila, ako kumakain. May pinaguusapan sila, syempre, kasali na ako. About sa swimming. Ano kaya ang mangyayari? Napakadaling isipin, matutuloy, of course!
Tumambay sa kamiasan. Walang magawa? Nagkwentuhan kami. Hanggang Dumating ang mga inaantay. Pero umalis din sila. Naglaro kami nia Tine at Aikit. Hagisan ng piso doon sa linya. Kung sinong may pinakamalayong piso, siya talo at mag pupulot non. Hanggang Dumating ulit ang mga inaantay. Pumunta sa 7/11 para magbonding. Bumili dahil nagugutom.
Hanggang maguuwian na, doon na ako naguluhan. Tutuloy pa ba ako sa dating school ko at sa mga barkada ko? o pupunta ako sa Bulacan para magpakasaya? Pinara nila ang bus na sasakyan ko sana, ngunit, ito'y puno na. Bumaba ulit ako. Ang sabi nila, it's a sign na sasama ako sa kanila. Nang nakasakay na ako, amboring. Kanya-kanya ng ginagawa. Biglang nagtext si kuya roi, nagpapabili sa south, humingi ako ng sign para magbackout. walang nangyari. natuloy pa din, sumama pa din ako sa kanila.
Wala naman akong pinagsisisihan. Nagenjoy naman ako e. Lahat kami. Siguro, talagang doon ako nabibilang. Pumunta sa South, guiguinto. Pumunta sa palengke, para bumili ng bagoong. Binilhan kami ni Yves ng tigisang kendi na may hugis. Pa heart ung akin at pa flower kay aikit. Nagtungo sa resort na pagswi2mingan namin, maganda. Nag luto ako ng bagoong, at pumitas sila ng mangga. Napakadali. Ngunit napakahirap magdesisyon.
Umuwi na ako. Kami pala. Gabi na. Pati din si Yves beybi. Paguwi? Pinaka mahirap na desisyon, magpaalam na tungkol sa overnight swimming.
sayang, hindi nagpunta ung iba namin kaklase dun sa awarding, nung pinanuod na namin un ibang dokyu, nahihirapan nga silang mamili kasi ang gaganda nun mga dokyu nila.
yey! may cash prize din kaso maliit nga lang.
pwde na din idagdag sa fund namin.
sabi nung isang prof, dunno her name, ung tatlong entries daw na nanalo, ipapasa daw nila doon sa ABC 5. kasi meron daw kasing dokyu fest din doon?
di ko alam e. pero sana, sana, sana, makapasok ung entry namin. haha. :)
pansamantala, pinagplaplanuhan na kung paano ang selebrasyon!
wala akong date. nobody asked me out. ayy, meron pala, my exes.
pero wala pa din akong date. :(
well, it doesn't really matter kung wala akong date ngayon. bakit? i have my friends. sila ang kadate ko kanina. :P
---------------------
After class, as in after our english class, the last subject for the day, lumabas kami ng campus and played dota with the boys. it's sooo fun. kaso, hindi kami nanalo. :(
we're beaten by the scourge! madadaya! i hate nobita! hmmp!
The Sentinel me "mwah" rodel "pinagpala" duncan "whagcahmachulet" simon "buttercUP"
The Scourge mon "blossoms ^.^" mac "bubbles ^.^" tine "tine" nobita "buttercup ^.^"
---------------------
after playing dota, nag audition naman. mamaw daw ako. ASA naman ako.bwahahaha. tapos un, laro laro din sila. nasira un pc ko. natapos ang kasiyahan, nagsiuwian na sila isah at raymart. nagdota ang mga boys na natira. si par, si mon, si duncan at si mac. kalaban? AI. yikes. hiyaw kami ng hiyaw. walang sawa sa kakahiyaw. nageenjoy kami nila tine, at nobita kahit nanonood lang. huu. at paguwi? ayon, hiwahiwalay na. :)
---------------------
kasabay kong pumunta ng sm sila duncan at mac. pagdating, ang daming tao. ang pinunta lang namin doon ay para samahan sin duncan na bumili ng flower sa holland tulips. long stemed ang gusto ng bata, ayaw nun tigsasampung piso sa nagtitinda sa labas ng campus namin. sabagay, kung ako ang papapiliin, dun nga ako magpapabili. maarte ako e.
---------------------
ako nga ang pinapili nia. pinili ko syempre ung pinakamaganda. at ayon, nang bayaran nia, whoa, 250. amp. ang mahal naman nun. sana tulips na lang binili nia. si mac may nalalaman pa e.
duncan: weena, ano ba mas maganda? tulips o roses. [umepal si mac] mac: ano ka ba sweet o romantic? duncan: romantic ako. weena: anong konek? mac: kasi pag rose, pang romantic at pag tulips pang sweet. [silence...] weena: ahh, ok.
---------------------
gutom na kami. oo naman, pagkatapos ba naman maglaro at tumabay sa comp shop nang hindi pa nananaghalian, hindi kami gugutumin? kaya ayon, wala nang pera si duncan at ako at si mac, nagkayayaan, walang magandang mapwestuhan. mas napunta pa kami sa hindi komportable. sa paotsin kami nauwi. ok lang, mas tipid nga naman. :)
---------------------
naghiwahiwalay nanaman kaming muli. pinuntahan na ni duncan ang gf nia. kami naman ni mac naghanap ng pwde kong idate mamaya sa bahay. ayaw nia na daw maglakad. para sa the block lang naman. kainis talaga kasama un. at ayon, nakabili ako ng auntie anne's pretzel. un bundle pack lang nabili ko kasi low budget. nakalimutan ko pang palagayan ng dip. hmmp.
---------------------
mahirap sumakay ng bus. err. buti na lang mabilis kaming tumakbo, makipagunahan sa mga tao na nadoon din. kaya ayon, nakasakay na, nakaupo pa.
---------------------
pag uwi ko, malamig na un kadate ko. ginawa ko? naglabas na ako ng kutsara at tinidor at syempre ng plato. sisimulan ko nang ang dinner date ko. pumunta sa dining table at sinimulan na ilabas ang pretzel. pagtingin ko sa plato, ang pretzel ang nakita ko.
naiisip ko na lang bigla, itong pretzel na ito, kamukha ng puso ko noon.
may dalawang parte.
pero nang may umekstra sa buhay ko...
nahati sa dalawa, nasa tyan na un isa. grrr.
ganun pala un no? kapag kinain na ung isang kalahati, hindi na ibabalik sayo nang buo, nang masarap. tae na nia ang ibabalik sayo pag binawi mo pa. yuck!
parang sa pagibig, kapag kinuha ng iba ung puso mo, pag binalik ulit sayo, may lamat na.
---------------------
pagkatapos nang nakakalungkot kong date na iyon, natulog na lang ako. ayoko nang maisip pa ang mga naiisip ko kanina. nahihiya ako dahil wala man lang kasense sense ang mga pinagsasabi ko. :(