Kahapon, ang takbo nang buhay ko, napakadali, iisang bagay lang ang mahirap, ang pagdedesisyon.
Walang exam sa Soc. Anthro dahil kami nga ang nagwagi sa dokyu fest sa school. pero pumasok pa din kami dahil pipirmahan ang aming mga permits. napakadali, hindi ba?
Nagpraktis kami para sa S.A. namin na gagawing play, a tribute to our professor this semester. ako si Tiffany, ang matalik na kaibigan ni Angelica. dakilang epal sa mga scene. napakadali, hindi ba?
Nagcounter strike kaming magkaklase, 1st team up, sa terro, ako, si nhek at si rabon at counter-terro, si yves, tine at aikit. 2nd team up, terro, ako, si rabon at si aikit. at counter-terro yves, tine at nhek. napakadali kasi dahil kasama ko si rabon. diba?
Kumain ako at sinamahan nila ako kanila Aling Josie's. Nagkwekewntuhan sila, ako kumakain. Nagtatalo sila, ako kumakain. May pinaguusapan sila, syempre, kasali na ako. About sa swimming. Ano kaya ang mangyayari? Napakadaling isipin, matutuloy, of course!
Tumambay sa kamiasan. Walang magawa? Nagkwentuhan kami. Hanggang Dumating ang mga inaantay. Pero umalis din sila. Naglaro kami nia Tine at Aikit. Hagisan ng piso doon sa linya. Kung sinong may pinakamalayong piso, siya talo at mag pupulot non. Hanggang Dumating ulit ang mga inaantay. Pumunta sa 7/11 para magbonding. Bumili dahil nagugutom.
Hanggang maguuwian na, doon na ako naguluhan. Tutuloy pa ba ako sa dating school ko at sa mga barkada ko? o pupunta ako sa Bulacan para magpakasaya? Pinara nila ang bus na sasakyan ko sana, ngunit, ito'y puno na. Bumaba ulit ako. Ang sabi nila, it's a sign na sasama ako sa kanila. Nang nakasakay na ako, amboring. Kanya-kanya ng ginagawa. Biglang nagtext si kuya roi, nagpapabili sa south, humingi ako ng sign para magbackout. walang nangyari. natuloy pa din, sumama pa din ako sa kanila.
Wala naman akong pinagsisisihan. Nagenjoy naman ako e. Lahat kami. Siguro, talagang doon ako nabibilang. Pumunta sa South, guiguinto. Pumunta sa palengke, para bumili ng bagoong. Binilhan kami ni Yves ng tigisang kendi na may hugis. Pa heart ung akin at pa flower kay aikit. Nagtungo sa resort na pagswi2mingan namin, maganda. Nag luto ako ng bagoong, at pumitas sila ng mangga. Napakadali. Ngunit napakahirap magdesisyon.
Umuwi na ako. Kami pala. Gabi na. Pati din si Yves beybi. Paguwi? Pinaka mahirap na desisyon, magpaalam na tungkol sa overnight swimming.
it's now or never. :/
Labels: n1-1, tc
alweena
has stopped writing foolishness at 15:21
♥ 0 crumpled papers
back to top