i woke up this morning with such tiredness.
anong oras na ba ako natulog kagabi? ah, yeah, quarter to one.
...
where the hell is my phone?!
nakita ko toh sa ilalim ng unan ko. walang ilaw, empty na. argh. nakakainis naman, nakatulugan ko ung cellphone ko nang nakalagay sa music player. pakingshyet. tumayo agad ako sa kama, at ichinarge ko un.
patay.
baka hindi nanaman mabuksan. nasira na ang battery. bakit ko ba kasi nakatulugan? bakit ba kasi gusto ko ung boses ni chris brown. bakit ba kasi ang hindi maingay ung aso namin? bakit nakapatay ung ilaw. ibig sabihin ba nun pupunta nanaman ako sa nokia para ipagawa ung cellphone ko? naku dapat ko na palang hanapin~
ok, nagcharge siya. whew! masyado lang pala akong paranoid.
humiga ulit ako sa kama, at napatulala. bat ba ang aga kong nagising ngayon? eh late na nga ako nakatulog e. tas biglang, bigla may kumatok. (hindi naman ako masyadong nagulat, kasi tulala pa din ako e. ) tas sumigaw pa, si daddy.
"hoy! gumayak ka na, mamaya nandyan na si tita carmen mo! tayo na nga nakakaabala sa tao e!" tumayo na lang ako at kinuha ang twalya at pumasok sa banyo. oo nga pala, ngayon ako kukuha ng student driving license. MAGBUNYI! makakapagdrive na din ako sa wakas!
...
ang 8 am naging 9. 9:30 dumating si tita carmen. umaambon. wow. summer tas umaambon? tama si kuya roi, malapit na ang tagulan. nakakita kasi kami ng mga langgam sa cupboard. soo they're saving.
dala ni tita carmen ang motor nia. wow. sa motor niya lang ako isasakay? parang napakaimpossible nun ah? kaya niya ba ako? wish ko lang. Dinala ko lahat ng requirements ko at binigyan ako ni daddy ng isang libong piso. malapit lang naman kami doon sa LTO office, ilang barangay lang naman ang dadaanan namin.
nang makarating doon, napakabilis ng mga pangyayari. may kilala pala doon si tita carmen. sinabi sa akin na after 6 months pa ako makakakuha ng non-pro, kasi nga bata pa ako. hindi pa ako maiisuhan kasi dapat 17 na. e 16 pa nga lang ako diba? (isa sa mga liabilities ng pagiging bata, illegal?) eh kung 17 na ako, katulad ng sinabi ni duncan, 1 month and 1 day, pupwede na. hayy. ang tagal pa pala nun. akala ko mabilisan lang, pero, i can wait. :)
30 mins lang tinagal namin doon. o wala pa nga yata e? mas uminit ung pwet ko sa motor, kesa sa upuan doon. nasuklian ng 700 ang 1000. 200 ang sa gobyerno, at 100 sa gobyerno. (alam mo na un!)
paguwi, nagpasalamat ako ke tita carmen at binigay ang sukli sa aking butihing ama.
...
walang magawa, sawa na kakapc, nagbasa ako ng dyaro. PDI last april 2 pa. May nakakuha ng attention ko, tungkol sa blogs. sa mga blogs na nakakasira ng buhay. mga featured blogs, both applicable sa mga tao at sa mga bagay, especially pagkain. ayon, nabasa ko. siguro mistulang babala un para sa akin. kasi nga blogger ako. pero alam ko naman un e. tska wala namang ibang maapetuhan dito, tanging ako lamang. :)
Labels: random
alweena
has stopped writing foolishness at 16:41
♥ 0 crumpled papers
back to top