galing kay ate rhea..
touching storyy.. superb!
Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo
sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana
akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa
iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang
plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana
akong Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo
ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting
maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit
kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin As ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong
malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan
ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento
ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan
kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong
kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o
madumi sa higaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa
mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na
naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana ang aking kamay At bigyan mo ako ng lakas ng
loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana
.... Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
" Paki forward na lang... hindi para mang-SPAM , para
malaman nating lahat ang halaga ng mga magulang natin
Labels: random, story
alweena
has stopped writing foolishness at 14:31
♥ 0 crumpled papers
back to top