Di ako nakapasok sa school ngayon for the baccalaureate mass this coming Thursday. Kasi naman, tanghali na ako nagising at di ko maintindihan ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin na ewan! Kaya di ako pumasok. Hay.. ikwekwento ko nga pala kung anong nagyari kagabi sa CAT graduation namin..
Kahapon, dito kami kumain sa bahay ng barkada. 4:00 daw kasi magsisimula un graduation namin. E ano time na kami pumunta don sa school 3:30 na. Dahil sa late ako. Nakaform na sila don for arrival of honors. Di naman ako nakasali. Umiyak ako ng umiyak kasi feeling ko di ako nakasali don. Honor din un e. Kinomfort ako nila Olay at Trixie. At nahimasmasan naman ako. Dun ako sumama sa MP. Tinatanong naman ako nila kristel. Sabi ko, “OK na ako, auko na pagusapan pa”. Nakaintindi naman sila. Regimental na, Ayos lang naman ako. Grabe, ang tagal nun. Sa kalagitnaan ng Regimental, si April Lei Lim, nahimatay. Tapos un iba, nakastanding in one leg na lang kasi ang super tagal!
After ng Regimental ay un Formal garduation na nga. Nabigay na yung certificates at C/MSgt Rowena D. Sumagpang ang nakalagay. Shocked ako, mali e. Maling mali, Dapat kasi C/TSgt lang ako, sabi na lang nila, hayaan na lang daw. Tapos wala akong medal na natangap. Akala ko naman ok na akong maging leader, un pala hndi. Aus pa dn kasi at least nakagraduate ako. Natutuwa nga ako sa speech ni Nico, sinabi niya ung tambayan nila pero di niya sinabi ang 'MAMAS' kasi baka mabuko e..hehe.. Natawa ako nung sinabi din niya un tungkol dun sa issue na walang kwenta ang Class san lakas dahil ang namumuno ay hindi galing sa section a kundi sa lower section. tska ung lait na sinabi ng class sandigan sa batch namin, class san sakal at class san askal. funny nu? di nila akalain na magiging grand slammers kami. hehe.. Pero nakakalungkot isipin na past na ang CLASS SAN LAKAS. Hindi na din ang mga senior officers ang nasa pwesto. Sayang ung goa ko, wala akong pagmamanahan. Congrats sa mga COCC dahil graduates na sila at kay ma’am Calisin na bagong Corps. Iyakan na, pero hangang yakapan lang kami mga kadete at batian ng ‘congrats bruh, di na tayo maghihirap’ hehe. Pagkatapos ng Graduation, punta kami sa canteen dahil my libreng meryenda.
After naman ng graduation sa CAT, “Night of the Champions” na. Sa kabutihang palad, hindi na nagperform ang CAT dahil kulang-kulang na. At boring din naman e. Pero daming natuwa dahil sa presentation ng Pep squad at ng taekwondo team. Tapos, huli na ang bands. Esguerra Band, Leandro band, at (nakalimutan ko na ung isa) ang mga tumugtog. Ang mga kinanta nila ay “Stars” at “Magbalik” by callalily , “Nakapagtataka” “Tuliro” “Bitiw” “Jeepney” by spongecola at “Ewan” by imago. Grabe si Jolo kasi ang lakas DAW ng appeal sabi ng mga katabi ko (di ko sasabihin kung sino!) After nun, kumaen na kami ng dinner sa canteen, ulit, libre!
Mga 9 pm na ako nakauwi. Paguwi ko, pinakita ko sa buong familia ang certificate ko, one down, one to go.
**note**
for the incoming batch, CLASS BIGKIS LAHI
--Galingan ninyo ah..tska wag ninyong hayaan masira un mga titles na nakuha ng CMIC sa mga competitions. Good luck buddies! =)
Labels: highschool
alweena
has stopped writing foolishness at 12:57
♥ 0 crumpled papers
back to top